SAMPUNG bahay ang natanggalan ng bubong matapos daanan ng ipo-ipo sa San Miguel, Bulacan, kamakalawa ng gabi, ayon sa ulat.
Wala namang nasaktan sa pagtama ng ipo-ipo.
Ayon sa ulat, tumama ang ipo-ipo ganap na alas-10 ng gabi na tumagal ng 10 minuto.
Apektado naman ang 10 pamilya matapos hindi makapaghanda sa nangyaring ipo-ipo, ayon kay Liz Mungcal, chief of the Bulacan provincial disaster risk reduction and management office (DRRMO).
MOST READ
LATEST STORIES