GMA pinayagang bumiyahe

     gma2
Pinayagan ng Sandiganbayan Fourth Division si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo na bumiyahe sa Germany, Paris at Hong Kong.
     Sa dalawang pahinang desisyon, sinabi ng korte na kailangang maglagak ni Arroyo ng P90,000 travel bond.
     Siya ay maaaring umalis ng bansa patungo sa Munich, Germany at Paris, France sa Setyembre 19 hanggang Oktobre 3.
     Sa Oktobre 29 hanggang Nobyembre 4 ay maaari naman siyang pumunta sa Hong Kong.
     Sa loob ng limang araw pagkabalik sa bansa, kailangang pumunta ni Arroyo sa Division Clerk of Court dala ang kanyang pasaporte upang malaman kung mayroon pa itong ibang lugar na pinuntahan maliban sa pinayagan ng korte.
     “That if. for whatever reason, she fails or will fail to undertake the subject trip abroad, she must nonetheless, within five days from the expected date of return, personally present herself to the Division Clerk of Court together with photocopies of pages of her passport which must not bear any stamp of departure from or entry into he Philippines during the relevant period, the same to be authenticated by the Division Clerk of Court after proper comparison with the original.”
     Kung hindi babalik sa bansa, ikokonsidera ng korte na tinalikdan na ni Arroyo ang kanyang karapatan na magpresinta ng ebidensya at depensahan ang sarili sa kaso.
     Kung mayroong lalabaging kondisyon na itinakda ng korte, kukumpiskahin ang travel bond ni Arroyo.
     Si Arroyo at kanyang mister na si dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo ay nahaharap sa mga kaso kaugnay ng National Broadband Network deal.

Read more...