Angel: Hindi ako naghahanap ng bagong boyfriend!

angel locsin

PINAG-USAPAN ng netizens ang ipinost na video ni Angel Locsin sa kanyang social media account. Ito ‘yung kanta ni Donna Cruz na “Kapag Tumibok Ang Puso”.

Inakala ng mga nakabasa na may pinatutungkulan ang aktres sa nasabing kanta. Kaya tinanong agad namin si Angel kung may konek ba ito sa estado ng puso niya ngayon.

“Isang love life lang, wala munang love life,” sagot sa amin ng aktres na medyo nalito kami. Dagdag pa niya, “Natawa kasi ako do’n sa video (Kapag Tumibok Ang Puso), saka favorite ko kasi ‘yun nu’ng bagets ako.”

Kinumusta rin namin ang shooting ng pelikula nila nina Zanjoe Marudo at Sam Milby na “Third Party” ng Star Cinema, biniro namin siya na single ngayon si Zanjoe in case type niya. Ang mabilis na sagot ng dalaga, “Ha-hahaha! Friends kami ate, saka hindi naman ako naghahanap (ng boyfriend) ngayon.”

Samantala, tinanong din namin ang dalaga kung kailan naman niya sisimulan ang shooting ng “Darna” movie pero hindi na niya kami sinagot. Ha-hahaha! Alam na!

Read more...