Luis kay Jessy: Mas malaki lang po ako, pero mas matatag siya!

luis manzano at jessy mendiola

KAHIT anong pilit ng mga reporter, hindi na talaga nagsalita si Luis Manzano tungkol sa kanyang ex-girlfriend na si Angel Locsin, partikular sa ginawa nitong pagbubura sa lahat ng litrato nilang dalawa sa Instagram.

Sa panayam ng ABS-CBN sa TV host-actor, sinabi ni Luis na ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol sa nakaraan nila ni Angel, “Ang dami ng nangyari sa mundo bakit nandito pa din tayo. We don’t need to talk about it. It’s not a necessity.” Dagdag pa ng binata, “Let them talk about it, enjoy talking about it. I enjoy not talking about it.”

Hiningan din siya tungkol sa patuloy na pamba-bash sa kanya ng mga netizens, lalo na ng mga fans ni Angel, “Nandu’n pa rin ‘yun. No matter what there would still be people who would dislike us no matter what. It’s part of what we do.

“We are going to enjoy everything, both good moment and bad moment,” aniya pa. Sinabi rin ni Luis na hindi pa sila magdyowa ni Jessy Mendiola tulad ng paniniwala ng marami, “Journey (pa lang), wala pang formality, wala pa. We are just enjoying what we are doing.”

Muling ipinagtanggol ni Luis si Jessy sa mga bashers nito na hanggang ngayon ay hindi tumitigil sa panlalait at pambabastos sa aktres, “Ang taong naghahanap ng mali makakahanap ng mali. They don’t want to understand the other side of the spectrum.

“Para sa kanila ‘Ay, ito mali ito para sa akin, aawayin ko ito’ instead of ‘Teka lang, baka naman iba ang pagkakasabi niya. Baka ibang context ang pagkakasabi niya,’” aniya pa. So, kumusta na si Jessy sa gitna ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya? “She’s fine. She’s happy. She’s content. I think with everything that’s going on there’s nothing else but to feel happy.”

Saludo nga raw siya sa katapangan ng aktres dahil nananatili itong matatag sa kabila ng mga nangyari, “To go through that, I appreciated her more, her strength, mas malaki lang akong tao but she’s way stronger than I am.”

Read more...