Sey ng PNP, ecstasy ang nakumpiska kay DJ Karen

dj karen

KINUMPIRMA ng pulisya na may ecstasy ngang nakumpiska mula kay DJ Karen Bordador na naaresto kamakailan sa isinagawang drug operation.

“For the three weeks surveillance, we cannot say that she was directly involved, but recovered from her possession are some ecstasy during the progress operation that was done by our operatives,” ayon kay National Capital Region Police Office Spokesperson Chief Inspector Kimberly Molitas sa isang panayam.

Nauna nang sinabi ng lady DJ na wala siyang alam sa pagbebenta ng illegal drugs at bumibisita lang siya sa condo ng kanyang boyfriend na si Emilio Lim na kasama niyang naaresto sa isinagawang anti-drug operation.

Hindi naman idinetalye ng pulisya kung paano nakumpiska ang ecstasy kay DJ Karen, “That will be properly confirmed by operatives during the court hearings,” paliwanag ni Molitas.

Kung matatandaan, naka-recover ng P3-million worth of ecstasy, marijuana, marijuana oil, cash, at mga drug paraphernalia sa condo unit ni Lim. Noong Lunes, na-inquest na ang magkarelasyon sa Pasig City Prosecutor’s Office.

Sa ulat ng pulisya, pinaghihinalaan na si Lim ang diumano’y supplier ng party drug sa mga club sa Makati at Bonifacio Global City, Taguig. Tumanggi namang magbigay ng reaksiyon si Lim tungkol sa mga reklamong isinampa laban sa kanila ni Karen.

Sa huling panayam kay DJ Karen, itinanggi pa rin nito na may kinalaman siya sa pagbebenta ng illegal drugs.

Read more...