Tornadoes vs Cargo Movers: Matira-matibay

Laro Ngayon
(San Juan Arena)
5 p.m. F2 Logistics vs Foton

HULING laban ngayon para sa kampeonato. Iyan ang na puso at isipan ng F2 Logistics at Foton Tornadoes na maghaharap sa winner-take-all Game 3 ng 2016 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference women’s volleyball tournament finals series sa San Juan Arena.

Sasambulat ang aksiyon ganap na alas-5 ng hapon. Unang nagwagi sa serye ang F2 Logistics sa matinding limang set na salpukan, 25-20, 25-14, 9-25, 20-25 at 15-10 bago bumawi ang Foton sa Game 2, 18-25, 25-17, 25-22 at 25-18. Matapos na magtala ng 39 errors sa Game 1, bumawi ang Tornadoes sa Game 2 kung saan 23 errors lamang ang nakamit nito.

Nagbida rin sa Game 2 ang beteranong setter na si Rhea Dimaculangan na gumawa ng 36 mula sa 39 sets ng Tornandoes.
Nagtulong-tulong naman sa opensa sina Jaja Santiago, Cherry Rondina, Maika Ortiz at Patty Orendain. Namuno si Santiago sa koponan na may 14 kills, tatlong block at dalawang service aces para sa 19 puntos habang nag-ambag sina Rondina, Ortiz at Orendain ng 15, 13 at 10 hits.

“We were finally able to solve our problems in Game 1,” sabi ni Foton coach Vilet Ponce-de Leon, na siya ring gigiya sa koponan binuo ng PSL para sa AVC Asian Women’s Club Championship na gaganapin sa Setyembre 3-11 sa Binan City. “But everything will be worthless if we don’t win Game 1.

We have to be careful because F2 Logistics is such a strong team who can bounce mightily after a bad loss. We have to be at our best for one last time this conference,” sabi pa ni Ponce-de Leon.“We know the series is not yet over. We just need to focus on Game 3 and play our best.”

Read more...