Kim bibida sa sariling life story sa Magpakailanman

kim domingo

ISA na namang blessing ang dumating sa Juan Happy Love Story star na si Kim Domingo.

Nakatakda kasing i-feature ang kuwento ng kanyang buhay sa GMA drama anthology na Magpakailanman hosted by Mel Tiangco. Lalo itong naging espesyal dahil ang Kapuso actress mismo ang gaganap sa kanyang sariling life story.

Excited na ibinahagi ni Kim ang picture nila ng Magpakailanman host at GMA News anchor na si Mel Tiangco matapos ang panayam nito sa kanya.

“Excited na ko dahil ako mismo ang gaganap. Thank you Lord sobrang blessed ng buhay ko,” ani Kim sa kanyang Instagram post.

Nagsimula si Kim sa pagmo-model sa mga car shows, ngunit mas nakilala siya ng marami nang mag-viral ang kanyang pagli-lip sync sa awit na “Twerk It Like Miley” ni Brandon Beal.

Ngayon, sa dami ng admirers ni Kim, tinagurian na siyang “Pantasya ng Bayan.” Mapapanood siya gabi-gabi sa Juan Happy Love Story, at tuwing Biyernes sa Bubble Gang.

Read more...