Jake, Inah, Jeric handang-handa na sa matinding dramahan sa ‘Oh My Mama’

jeric inah jake

ISA na namang kaabang-abang na drama series ang ihahandog ng GMA Network sa Kapuso viewers.

Pinamagatang Oh, My Mama, ang Afternoon Prime series na ito ay pinagbibidahan ng pinakabagong Kapuso star na si Inah de Belen, anak nina Janice de Belen at John Estrada.

Makakasama niya bilang leading men sa kanyang first starring role sina Jake Vargas at Jeric Gonzales. Very excited na si Inah sa kanyang kauna-unahang proyekto bilang Kapuso at looking forward na siyang magsimulang magtrabaho sa kanyang bagong tahanan.

Makakasama rin sa Oh My Mama sinaa Gladys Reyes, Epi Quizon, Arthur Solinap, Ryan Eigenmann, Yul Servo, Eunice Lagusad, Teri Malvar, David Remo, Sofia Pablo, Jhiz Deocareza, Bryce Eucebio, sa direksyon ni Neal del Rosario.

Read more...