‘We will finish it in 6 month with clean hearts and untainted conscience,” sabi ni De la Rosa.
Ito’y matapos ipatawag ng Senado si De la Rosa at iba pang opisyal ng PNP para magpaliwanag kaugnay ng mga pagpatay matapos umupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo.
Itinakda ang imbestigasyon ng Senado sa extrajudicial killings sa Agosto 22 at Agosto 23.
“We will go there to the Senate with open hearts. Our hearts are clean. Hindi po tainted kaya wala po kaming itatago. Hindi kami magpapanic and we will never lose our cool. Unless siguro na babastusin kami, hindi naman siguro ganun, honorable naman yung mga senators natin. But in every action there is a corresponding reaction. Kapag binastos ka, we may probably lose our cool pero kung friendly naman sila at hindi gaanong hostile, what’s the reason for us to lose our cool,” dagdag ni De la Rosa.