P20 ng retirado nanalo ng P31M sa Mega Lotto

lotto for site

Isang retirado sa Cavite ang tumaya ng P20 at nanalo ng P31.1 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay 68-anyos, may asawa at pitong anak.

Tumaya siya ng lucky pick noong Hulyo 29 at ang lotto machine ang nagbigay sa kanya ng winning number combination na 5-9-17-21-36-41.

Sampung taon na umano siyang tumataya ng lotto.

Hahatian niya ang kanyang mga anak at magtatabi para sa kanilang pangangailangan sa hinaharap.

 

Read more...