Mga Laro Ngayon
(Strike Gym, Bacoor)
4 p.m. Café France vs Phoenix
6 p.m. Racal vs Tanduay
(Do-or-die semifinals)
ISA ang inaasahang magbabalik at isang baguhan ang siguradong tutuntong sa finals ng 2016 PBA D-League Foundation Cup.
Ito ang tiyak na magaganap sa knockout semifinal round ngayon sa Strike Gym sa Bacoor, Cavite.
Isa ang matitira sa magkaribal na Phoenix at Café France habang isa ang magtatala ng kanilang kasaysayan sa pagitan ng Racal at Tanduay sa pag-usad sa Finals sa unang pagkakataon.
Umaasa ang Accelerators na malalampasan nila ang balakid kontra sa defending Foundation Cup champion at ang pinakapaborito na mag-uuwi sa titulo.
“Café France is much superior than Phoenix. Blessing na lang din na twice-to-beat kami, but our side will try our best to put up a good fight,” sabi ni Phoenix coach Eric Gonzales, kung saan aasa muli ang Aspirants’ Cup champion kina Mike Tolomia, Mac Belo at Ed Daquioag.
Asam naman ng Bakers na masustina ang kanilang itinalang 78-68 na Game One panalo noong Huwebes.
“Hopefully, we can bring the same intensity next game,” sabi ni Café France coach Egay Macaraya na aasa kina Rod Ebondo at Carl Bryan Cruz.
Magsasagupa ang huling dalawang D-League champions sa huling pagkikita ganap na alas-4 ng hapon na agad na susundan ng salpukan sa pagitan ng Tile Masters at Rhum Masters sa alas-6 ng hapon.
Pursigido si Racal coach Caloy Garcia na magagawa nitong talunin ang Tanduay na itinakas ang 88-86 panalo noong Huwebes.
“They surprised us by doing the same thing with the running game and they were able to build a good lead. The only lesson to be learned is we can’t relax against Tanduay,” sabi ni Garcia.
“Number one-seed ‘yung kalaban namin. Alam naming di basta-basta tutupi iyan,” sabi ni Tanduay coach Lawrence Chongson. “Matira matibay na sa Tuesday.”