‘Ang tapang ng apog nina Baron at Kiko!’

baron geisler at kiko matos

TALAGA nga sigurong nasarapan na si Baron Geisler sa pagkakaroon ng mga publisidad na libre. Hindi na nga naman niya kailangang magpa-presscon pa, wala siyang kagastus-gastos, nagiging laman siya ng mga tabloids nang wala siyang kahirap-hirap.

Nandiyang makipag-lips-to-lips siya sa isa pang uhaw sa publisidad na si Kiko Matos, proud pa nilang ipinaglalantaran sa buong mundo ang kanilang paghahalikan, may katapangan din ang apog ng dalawang ito.

Ang pinakahuli namang kinakalaban ngayon ng magaling pa naman sanang aktor pero pasaway ay si Pangulong Rodrigo Duterte, kinokontra niya ang kaliwa’t kanang patayan na droga ang dahilan, hindi raw siya takot na magsalita tungkol du’n dahil kahit ipa-drug test siya ngayon ay walang ebidensiyang magagamit laban sa kanya.

Walang basagan ng trip, ‘yun ang napagtuunan ng pansin ngayon ni Baron Geisler, libreng publicity nga naman ‘yun.

“Walang kahirap-hirap, post lang siya nang post ng mga opinyon niya, sagot lang siya nang sagot sa mga kampi sa kanya at sa mga bashers na tulad niya ay wala ring maganda at makatuturang magawa sa buhay kaya siya nagkakaganayan.

Sino naman kaya ang susunod na hahamunin ni Baron Geisler? Ang umaasinta sa pagkapangulo ng Amerika na si Donald Trump? Hindi imposibleng mangyari ‘yun.

Si Baron pa? Si Baron pa? Si Baron Pa?

Read more...