Bashers butata sa paninira kay Alden; pinuri sa book launch

alden richards

NA-BASH nang todo si Alden Richards all because he was a no show sa isang event for the Eat Bulaga staff.

Tanging si Maine Mendoza lang ang umapir sa event kasama ang production ng noontime show kaya naman marami ang nam-bash sa actor.

May schedule yata si Alden at hindi na nito nakaya na umapir sa nasabing event. Pero hindi nila mababasag si Alden. Ang daming humanga sa actor when he had a book launch recently.

Kasi, ang agreement, he will sign 300 books na bibilhin ng fans. Pero more than 300 ang nabenta kaya naman kahit na pagod ay in-accommodate pa rin ni Alden na pirmahan ang 200 libro pa.

“I was at the book signing of @aldenrichards02. He was kind enough to accommodate everyone der,” said one fan.

Ganyan kamahal ni Alden ang kanyang mga fans.

Read more...