Sey mo Enrique, Charlie Puth baliw na baliw kay Liza; balak manligaw

liza enrique charlie

HINDI napagbigyan ni Liza Soberano ang request ng Grammy-nominated singer na si Charlie Puth na manood siya ng concert nito.

Nagbalik sa bansa last Sunday si Charlie para sa promotion ng kanyang latest album na “Nine Track Mind”. At sa kanyang concert, he unabashedly shared his admiration for the Dolce Amore star.

“Apparently, I am attracted to this young actress (Liza)…sent her an invite, I’m just saying, I sent her an invite but she’s busy,” say ni Charlie. Dumagundong ang hiyawan sa kanyang sinabi.

Nag-sorry naman si Liza kay Charlie dahil hindi siya nakapunta sa concert nito. Pina-follow pala ni Charlie si Liza sa Twitter at sa isang Snapchat video ay sinabi ng singer na napanood nito ang isang movie ng aktres kasama si Enrique Gil, ang “Everyday I Love You”.

Seems like Charlie is so enamored kay Liza at mukhang liligawan niya ito nang todo. As it is kasi, parang baliw na baliw si Charlie sa dalaga.

Tunay na kayhaba ng buhok nitong si Liza, ha!!! Ano naman kaya ang feeling ngayon ni Enrique? Pagbawalan na kaya niya si Liza na makipag-communicate kay Charlie?

Read more...