Alden todo alaga kay Maine sa Morocco; AlDub nabitin

maine mendoza at alden richards

NAKABALIK na sa Eat Bulaga si Maine Mendoza. Kahapon nakigulo na uli siya sa Kalyeserye ng show.
Nahuli siya ng uwi galing sa Morocco para sa pictorial nila ni Alden Richards para sa Mega Magazine.

Bitin nga lang ang tanong ni Alden kay Meng sa Kalyeserye tungkol sa sinabi sa Morocco na huling kundisyon. Nganga tuloy ang viewers kung ano at tungkol saan ang kundisyon.

Pero base sa tweets naman ng mga staff ng nasabing nasabing magazine, behave naman daw sina Alden at Maine sa Morocco.

Ang obvious nga lang daw ay itong si Alden na sobrang attentive sa lahat ng mga kailangan ni Maine, huh!

Read more...