Badjao girl biktima nga ba ng pambu-bully sa loob ng PBB?

badjao girl

HINDI naman siguro pambu-bully ang ginawa ni PBB Season 7 housemate na si Heaven nang i-report niya kay Kuya na may nakikita siyang “puti-puti” sa buhok ni housemate Rita o mas kilala bilang si Badjao Girl.

Kaya namin nabanggit ang terminong “bully” ay dahil kinol ni Rep. Joey Sarte Salceda ang MTRCB Chairman na si Atty. Toto Villareal tungkol sa pambu-bully daw ng kapwa housemate kay Rita. Dapat daw itong unawain dahil bukod sa bata pa ay galing pa ito sa mahirap na pamilya.

Anyway, base sa ipinalabas na eksena sa PBB habang ikinukuwento ni Heaven kay Big Brother ang nakita niyang “puti-puti” sa buhok ni Rita, hindi naman nakitaan ng pandidiri ang bagets, sinabi niyang concerned lang siya dahil nasa iisang higaan lang sila at baka nga mahawa sila kung balakubak, kuto o lisa man ang nasa buhok ng dalagita.

Read more...