JoWaPao nag-reunion sa taping ng ‘Enteng Kabisote’; babalik na sa Eat Bulaga?

SA wakas, after ng maha-habang panahon ay nagkita na ang tatlong sikat na sikat na lola na sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo).
Pero hindi sa kalyeserye kundi sa taping ng “Enteng Kabisote” muling nagkita ang JoWaPao.
Sa Instagram post ni Paolo, nakipag-selfie ito kasama sina Jose at Wally. Naka-make up pa si Wally at naka-wig na parang lola Nidora, habang nasa likod si Jose at nakangiti.
Tila nagtitili naman ang mga fans ng tatlo dahil miss na miss na nga nila ang pagsasama ng tatlo sa longest running noontime show na Eat Bulaga.
Finally the explorer sisters.. miss you @pochoy_29 pls be back @eatbulaga1979. You 3 rocks!!!” sey ng netizen na si weng_214. 
“The power trio! -together again!” sigaw naman ni itsmejetsaldon.
 
Kung matatandaan nawala ng mahabang panahon si Paolo dahil nasuspend daw ito nang magtaray at mag-rant sa Facebook sa isang event na dapat ay siya ang magho-host. 

Read more...