NAGHAIN ng petisyon sa Korte Suprema ang mga biktima ng human rights na naglalayong ipahinto ang pagpapalibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).
Sa 30-pahinang petisyon ng National Union of People’s Lawyes (NUPL), hiniling nina dating Bayan Muna Partylist Rep. Satur Ocampo at Neri Colmenares na ipawalangbisa ang ipinalabas na memorandum ni Defense Secretary Delfin N. Lorenzana noong Agosto 7, 2016 kung saan inatasan niya si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Ricardo R. Visaya na simulan na ang preparasyon para sa paglilibing sa mga labi ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Hiniling din ng mga nag-petisyon sa Korte Suprema na maglabas ng temporary restraining order (TRO).
Sinabi ng mga nag-petisyon na umabuso ang mga opisyal nang payagan ang pagpapalibing kay Marcos.
Human rights victims hiniling sa SC na maglabas ng TRO kontra Marcos burial sa Libingan
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...