Chavit ipamimigay lahat ng kayamanan sa isang kundisyon…
BUSY si Gov. Chavit Singson sa pag-organize ng pinakamalaki niyang project, ang 2016 Miss Universe na 80% nang gagawin dito sa bansa next year.
“All out support ako sa Miss Universe. Noong before the election, marami nang ino-offer ‘yan sa iba’t ibang company pero walang tumatanggap dahil 12 million dollars ang gastos niyan. Nu’ng ako ang kinausap, nakita ko na maganda ito para sa tourism natin. Kasi ang tourism, ang epekto no, ang domino effect, kapag maraming turista, maraming gagastusin, maraming negosyo ‘yan sa buong Pilipinas. So, magandang support it okay President Rodrigo Duterte. Sabi niya, okay pero walang gastos diyan ang gobyerno. Kaya naghahanap ako ng sponsor,” chika ni Gov. Chavit.
Ginagawa na rin ang travel/charity show niyang Happy Life. “Maghahanap ako ng donor at kung walang donor, ‘yung Happy Life, may foundation ‘yon at ‘yun ang magbibigay.
I”n short, puro pagtulong ang Happy Life. Parang ganoon, charity show, travel show, lahat. Kaya nga happy life, eh,” say niya. Kahanga-hanga ang plano ni Gov. Chavit na ipamigay ang kanyang wealth ‘di lang sa kanyang family kundi sa nangangailangan.
“Pa-retire na tayo. Mula ng bata ako, negosyante na ako. Kumita na rin ako at gusto kong ipamigay lahat dahil kapag namatay ako ay hindi ko madadala, eh. Ang show na ‘yon is to encourage others to do the same, ipamigay ‘yung pera kasi money is not yours until you spend it.
“Ipamimigay ko lahat. Bibigyan ko rin ang mga anak ko pero pamimigay ko lahat dahil kapag namatay ako ay hindi ko madadala ‘yon. Pero reward system, hindi ‘yung donor,” dagdag niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.