Tubig At Langis ng ABS-CBN gumawa ng record sa Kapamilya Gold

tubig at langis

TAWANG-TAWA kami kay direk Ruel Bayani bago magsi-mula ang “Bonggang Pasasalamat” presscon ng seryeng Tubig At Langis.

Naikuwento kasi niya ang tungkol sa bagong serye nina Arci Muñoz at Jericho Rosales, every three weeks daw kasi ay nagpapalit ito ng titulo kaya’t lukang-luka na raw siya.

Tinanong kasi ang TV executive kung kailan magsisimula ang serye nina Arci at Echo at kung ano na ang final na title nito, “Ay naku Diyos ko, every three weeks iba ang title kaya sasabihin na lang namin kapag final na,” natawang sabi ng bossing ng Dos.

Pero sabi ni direk Ruel excited na siya sa tambalang Echo at Arci dahil first time magsasama ng dalawa at higit sa lahat magkaiba ang atake ng mga ito sa pag-arte.

Samantala, bago nagsimula ang presscon ng Tubig At Langis noong Sabado ay nag-table hopping muna si Direk Ruel para isa-isang pasalamatan ang entertainment press na nakatulong nang husto sa serye nina Cristine Reyes, Isabelle Daza at Zanjoe Marudo.

Kasama rin sa serye sina Jean Saburit, Efren Reyes, Marco Gumabao, Nadia Montenegro, Miguel Vergara, Ingrid dela Paz, Victor Silayan, Lito Pimentel, Dionne Monsanto, Tart Carlos, Cai Cortez, Miko Raval, Archie Alemania at iba pa mula sa direksyon nina FM Reyes at Raymund Ocampo.

Ikinuwento ni direk Ruel na nakuha ng Tubig At Langis ang pinakamataas na rating na 21.1%, ka back-to-back nito ang Doble Kara mula naman sa Dreamscape Entertainment.

Kuwento ng TV executive, “Yung back-to-back na ‘yun, never pa ‘yun na-achieve ng ABS ever, higher pa kami sa primetime ng GMA.

“Ayaw kong magbanggit ng title o ng show, hindi lang sa Kantar Media, even sa AGB (Nielsen) mataas kami sa hapon, kaya nga puwedeng i-claim dahil kung hindi debatable pa, eh.

“Ang lakas ng kalaban namin sa hapon sa kabila, ngayon lang na-achieve ‘to, eh. Hindi na-achieve ito before dahil ang lakas nila rati, ang hirap-hirap. Very formidable ‘yung kanilang line-up, ngayon lang talaga nabasag, it’s really an achievement for ABS. I can claim that because I don’t claim kung hindi facts, no!” sabi pa ni Direk Ruel.

Natanong naman si direk Ruel tungkol kay Vivian Velez na nag-resign sa Tubig At Langis dahil sa isyu sa kanila ni Cristine Reyes. Willing pa ba nilang makatrabaho ang veteran actress?

“Oh, yes, she’s an amazing actress, I’d love to have her again, and she’s a wonderful-wonderful actress. It was just unfortunate, but lahat kami sa team ay naniniwala that we will be working with each other again. In fact, nakarating sa akin thru Nadia (Motenegro) that she’s sincerely happy for the show and ‘yun ang ibig kong sabihin.

“Para sabihin niya ‘yun, ibig sabihin, masaya siya for us dahil alam niya na ang tagumpay nito ay malaking bahagi rin siya,” sabi pa ng bossing ng programa.

Samantala, apat na linggo pang mapapanood ang Tubig At Langis sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Doble Kara sa ABS-CBN.

 

Read more...