Teleserye ng ABS-CBN tatapusin na dahil sa kasal ni Belle

 

WALA ng extension ang afternoon series ng ABS-CBN na Tubig At Langis dahil kailangan nang umalis ng bansa ang isa sa mga bida ng serye na si Isabelle Daza.

Nakatakdang umalis si Belle patungong Italy para sa kasal nila ng boyfriend na si Adrien Semblat na nakatakdang maganap sa Sep. 10.

Sa nakaraang thanksgiving presscon ng Tubig At Langis, sinabi ni ABS-CBN Business Unit Head Ruel Bayani na imposible nang ma-extend pa ang serye dahil sa nalalapit na kasal ni Isabelle.

Isang buwan pa tatakbo ang Tubig At Langis at kahit nga napakataas pa rin ng TV rating nito ay kailangan nang tapusin ang kuwento.

“All in all, ang akala namin, baka hindi pa makaabot ng 13 weeks ang Tubig at Langis and we end in 32 weeks. Sa totoo lang, ang gusto ng management, patagalin pa.

“Pero we decided to…I will be honest, Isabelle is getting married, and of course, we wanted to give Belle yung time na hindi siya mapi-pressure.

“Kaya yung istorya rin, nag-abot-abot na, pineak na namin. Hindi na namin dinelay, that’s why nag-reflect sa ratings, kasi hindi na namin ini-stretch, talagang pinaputok na namin.

“Ayokong i-deny ‘yon. Malaking factor si Belle. We love Belle so much. Ang feeling ko, ibigay na natin.

“Ibigay na natin, ikakasal siya, magha-honeymoon siya. Let her enjoy her new life,” tuluy-tuloy na pahayag pa ni direk Ruel.

 

Read more...