Lani bumilib kay AiAi: Pang-FHM na ang katawan mo ngayon!

lani misalucha at aiai delas alas

HANDA na si Lani Misalucha na makipagsabayan kay Ai Ai delas Alas. Sa mga pinagsamahan nilang show, madalas ay guesting lang ang drama nila.

This time, back to back na ang gagawin nilang concert na may titulong “Ai Meets Lani! Si Lani May Ai?” na gagawin sa Kia Theater sa Sept. 17 na ipinrodyus ni Pops Fernandez.

Next month pa ang balik sa bansa ni Lani upang mag-rehearse. Nang tawagan siya nu’ng magkaroon ng solo presscon si Ai Ai para sa concert laba-laba ang byuti niya sa Las Vegas.

Ready na ba siya sa apat na malalaking production numbers nila ni Ai Ai? “Oo! Apat nga ‘yon. Sana mas marami pa! Ha! Ha! Ha! ‘Yun ang mga patalbugan naming dalawa!” bulalas ng Asia’s Nightingale.

“Teka, mag-i-earphone ako para mas malinaw,” sabi pa niya.

“Walang doubt naman na kakabugin ako ng isang ‘yan!” sey ni Lani. “Sabi ko nga, mare, pag kantahan, kaya mo ‘yon. Pero pag hindi ko na kinaya ‘yung kanta, costume na lang ako! Ha! Ha! Ha!” sambit ni Ai.

“Pero ang nakakaloka ngayon (kay Ai), ang ganda ng katawan mo ngayon! Kakaiba!” sabi ni Lani. “Parang pang-FHM ang katawan mo!” dugtong pa niya.

“FHM. Fight Hanggang Maumay 100! Sexiest. Mapaandar lang!” hirit naman ni Ai Ai.

“Doon pa lang, mare, kabog mo na ang katawan ko! Ang figure ko kasi ngayon, caterpillar!” biro ni Lani.

“Pero mare, aminin mo, ang ganda-ganda ng likod mo. Ang kinis-kinis. Kaya parati lang mag-backless!” suhestiyon ng Comedy Queen.

“Ang ibig mong sabihin tumalikod ako all night?” sagot ni Lani. “Hindi naman, mare! Ha! Ha! Ha! Nakakatawa ‘yung nakatalikod forever. As if naman ako, laging nakaharap! Ha! Ha! Ha! Talikod na rin ako forever!” sey ni Ai Ai.

Hindi ba siya nagdalawang-isip sa concert kasi si Ai Ai ang kasama niya? Pinilit ba siya? Hinaras ba?

“Bakit naman hindi? Sabi ko nga, ang tagal naming hindi nagkasama. I guess it’s about time na magkatrabaho uli kami ni Ai. Ito ang way para magkasama kami. Hindi naman kami puwedeng magsama sa pelikula dahil hindi ako umaarte. So heto na ‘yung best avenue for us to be together in one concert!” katwiran ni Lani.

 

Read more...