Baby girl ang ipinagbubuntis ni Mariel; dasal ni Binoe maging normal ang anak

robin padiila at mariel rodriguez

BABY girl ang ipinagbubuntis ng TV host-actress na si Mariel Rodriguez. Ito ang kinumpirma nina Mariel at Robin Padilla sa ginanap na baby shower at gender reveal party kamakailan.

Ilan sa mga celebrities na dumalo rito ay sina Toni Gonzaga, Rufa Mae Quinto, Bela Padilla at Rommel Padilla. Isinabay na rin nina Mariel at Binoe sa party ang kanilang 6th wedding anniversary.

Grabeng kaligayahan daw ang naramdaman ni Mariel nang malaman niyang girl ang magiging panganay nila ni Robin, “I’m also happy if it was a boy. Tapos nu’ng nalaman ko, sobrang iba pala yung feeling. Masaya din ako na girl.

“Dati, the reason why I wanted a boy, kasi marami nang girl (na anak).si Robin. Noong nalaman ko na girl, alam mo, I realized na the baby is for me, kasi God knows na girl naman talaga ang gusto ko,” sabi ni Mariel sa isang panayam.

Sabi naman ni Robin, ke lalaki o babae ang maging anak nila ni Mariel ay tanggap niya, ang mahalaga raw, “Maging normal, yun naman ang ultimate wish ng lahat.”

Read more...