Vice: Kailangan abangan ‘yo ang paghaharap namin ni Aura!

vice ganda at aura

KUMBAGA sa putahe, patikim pa lang daw ang guesting ni Vice Ganda sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil mas bongga raw ang second movie nila ni Coco Martin na ihahabol ng Star Cinema sa MMFF 2016.

Sa ulat ng ABS-CBN natanong si Vice kung mae-extend ba ang appearance niya sa serye ni Coco?

“Huwag, baka magsawa kayo sa amin ni Coco, may movie pa kami sa December. Ano lang ’yon, patikim lang ’yon ng movie namin for December para mas ma-excite kayo.”

Nagpaalam na ang karakter ni Vice na si Ella sa Ang Probinsyano bilang leader ng isang cybersex syndicate matapos mahuli ni Cardo (Coco).

Sinabi pa ni Vice na maraming aabangan ang manonood sa bagong movie nila ni Coco, kung saan makakasama rin nila ang internet sensation na si McNeal “Aura” Briguela o mas kilala ngayon bilang MacMac sa Probinsyano.

“Sa movie namin sa December, bukod sa tandem namin ni Coco, aabangan niyo ang paghaharap namin ni Aura. Kung makikita niyo sa Ang Probinsyano, wala kaming scene together. Hindi kami nagtagpo para exciting. Kung ano ang mangyayari kapag nagtagpo kami, sa movie na yon magaganap,” pahayag pa ng TV host-comdian.

Makakasama rin sa pelikula ang sidekick ni Coco sa Ang Probinsyano na si Simon “Onyok” Pineda.

Read more...