‘Jessy Mendiola halatang-halatang insecure kay Angel Locsin!’

 

SIGURO naman ay mananahimik na ngayon ang mga bashers ni Angel Locsin. Hindi na ang pangkasalukuyan lang ang binura ng dalaga sa kanyang puso at isip ngayon kundi pati ang nakaraan nilang naunsiyaming pagmamahalan ni Luis Manzano.

Hindi kasi kagandahan ang mga komentong ibinabato kay Angel na kesyo ayaw na nga sa kanya ni Luis ay naghahabol pa siya. Para sa kanyang mga bashers ay para bang tapos na ang lahat-lahat para kay Angel mula nang magkahiwalay sila ng aktor-TV host.

Ngayong binura nang lahat ni Angel ang mga ebidensiya ng minsan nilang pagmamahalan ng aktor ay mananahimik na siguro ang mga nagsasabing ipinagduduldulan pa rin niya ang kanyang sarili sa binata na may bago nang karelasyon.

Komento ng kaibigan naming propesor na hindi lang updated kundi nagsasaliksik pa tungkol sa mga isyung kinasasangkutan ng mga artista ay tama lang ang ginawa ni Angel.

“It’s about time na burahin na niya ang lahat-lahat ng makapagpapaalala sa naging relasyon nila ni Luis. Right move ‘yun. Panahon na talaga para magdesisyon siyang tapusin na ang lahat-lahat sa kanila ng ex niya.

“That will give a pound of security for Jessy Mendiola na halatang-halata namang sobra ang pagka-insecure sa kanya, samantalang sila na nga ni Luis ngayon. Good for the girl!

“And good for Angel na rin, tapusin na niya ang past nila ni Luis, hindi naman si Luis lang ang isda sa dagat, puwede ba?” komento ni prop.

Read more...