Aljur pabor sa live in at same sex marriage; saludo sa LGBT

aljur abrenica at janine gutierrez

NAKIUSAP pala ang fans nina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez sa mga bossing ng GMA 7 na i-extend pa ng ilang linggo ang seryeng Once Again.

At talagang willing pa ang AlNine supporters na mag-ambagan para sa budget ng extension. Ayon kay Aljur, ngayon lang niya na-experience uli ang ganitong katinding fandom.

“Hindi ko naramdaman ito before, actually naramdaman ko na pero matagal, but not this wild,” sey ng Kapuso heartthrob nang mag-guest sa ShowbizLive, hosted by Ervin Santiago and Izel Abanilla na napapanood at napapakinggan tuwing Miyerkules, 8 p.m. sa Radio Inquirer, Inquirer 990 TV, Inq.Net at iba pang social media accounts ng Inquirer group.

Kwento pa ng aktor, ngayon nga raw, plano ring mag-ambagan ang AlNine para makapag-produce ng movie para sa kanilang dalawa ni Janine. Sa ngayon ay may communication pa rin sila ng dating ka-loveteam sa Once Again sa kanilang fans. Noon nga raw cast party nila ay ang AlNine ang sumagot ng pagkain, at niregaluhan pa sila ni Janine ng Pomeranian.

“Gusto ko lang ipaalam sa inyo guys na willing kami, more than willing kami, na magkatrabaho uli. May regalo kami sa inyo (AlNine). We are working it out right now from Once Again family, meron po kaming ginawang munting video para sa inyo at ilalabas namin siya anytime,” announcement ng actor.

Game na game si Aljur sa mga tanong ng mga host at ng fans habang pino-promote ang movie niya na “Hermano Puli”, isang historical film, na napili nga bilang closing film sa Cinemalaya 2016.

Noong sumalang si Aljur sa panayam ng ShowbizLive ay seryoso pa ito, na para bang kinakapa pa kung paano siya magre-react sa mga tanong ng hosts, pero hindi nagtagal ay game na game na ito at kwelang sumagot sa mga questions pati na rin sa mga tanong na ipinadala ng listeners at viewers.

Nagkwento si Aljur tungkol sa mga challenges na hinarap nila sa pagbuo ng “Hermano Puli” na dapat ay kasama sa Metro Manila Film Festival last year pero nagkaroon sila ng problema nang mag-pullout bigla ang producers.

“Yung pinagdaanan po namin dito sa ‘Hermano Puli’ from scratch kasama po ako diyan, kami ni direk Gil Portes, naghanap kami ng sarili naming producer and then final nangyari na early this year lang. So we are very happy sa naging resulta. Eto na yung mga pinaghirapan namin. Tapos nakasama pa sa Cinemalaya. Blessing talaga,” kwento ng Kapuso star.

Ayon kay Aljur si “Hermano Puli” ang inspirasyon ng ilang mga bayani natin. Siya rin ang unang Pilipinong bayani na lumaban sa mga Espanyol nang palagan niya ang pangmamaltrato ng mga ito sa mga Pilipino.

Sa pagganap ni Aljur bilang Hermano Puli walang nasabi si direk Gil Portes kung hindi papuri dahil hindi raw siya mahirap idirek. Nakatulong din ng malaki sa characterization ng aktor ang ginawa niyang research sa buhay ng bayani.

Imagine, pati ang lugar kung saan tumira at lumaki si Hermano Puli ay pinuntahan ni Aljur? Naligo rin siya nang nakahubad sa ilog na laging pinupuntahan ni Puli. Bukod dito naging celibate din siya ng ilang linggo para sa kanyang role. Meaning nakayanan ni Machete ang mabuhay nang walang sex sa loob ng mahaba-habang panahon.

Patungkol naman sa mga bashers, sinasabihan pala ni Aljur ang mga fans niya na huwag nang makipag-away o makipagsagutan dahil ayaw na ayaw daw niya ng kanegahan.

“Ako kasi pag may supporters ako ayoko kasi yung mga awayan. Sabi ko if you’re gonna support me, ayoko ng away. I would rather influence you ng peace. Pag may sumasagot sa ating mga panget, may namba-bash, hayaan mo lang sila. So kami ang samahan namin solid talaga,” sey ng hunk actor.

Samantala, binato naman ng mga tanong si Aljur ng mga fans na tumutok sa programa nina Ervin at Izel. Dito na nga inamin ng Kapuso hunk na fave actress pala niya si Liza Soberano, na ikinatuwa naman ng mga fans ng dalaga at nag-express pa ng pasasalamat through Twitter.

Diretso ring inamin ng binata na ultimate crush niya ang tinanghal na FHM Sexiest Woman 2016 na si Jessy Mendiola.

Nagkaroon din pala si Aljur ng offer mula sa ABS-CBN pero hindi raw sumagi sa isip niya ang layasan ang GMA, “Networks, hindi ito ang priority ko, tao ang priority ko.”

Kung ibabalik naman ang tambalan nila ni Kris Bernal ang gusto ni Aljur ay action ang theme. At para mas mature ang dating sana raw medyo sexy at daring ang kuwento.

Wala pang nakaplanong bagong serye para kay Aljur pero bukod nga sa historical film nila ni Louise delos Reyes na “Hermano Puli”, magkakaroon din siya ng concert kasama sina Derrick Monesterio,

Rocco Nacino at Jake Vargas sa Music Museum sa Setyembre at makakasama rin siya sa Toronto concert ni Julie Anne San Jose sa December. Nagbigay pa ng sample si Aljur sa fans at game na game itong kumanta ng “I Believe I Can Fly”.

Samantala, sa quickie talk ng ShowbizLive with Aljur, inabin ng binata na pabor siya sa same sex marriage at sa pakikipag-live in.

Mataas din ang respeto niya sa LGBT community. Sabi pa ng hunk actor, gusto niyang mabigyan din ng equal rights ang mga miyembro ng third sex sa bansa. — John Lester Villegas, Allana Saranza

Read more...