Medical benefits para sa OFWs

UPANG hindi magkaproblema sa pag-claim ng benepisyo, may ilang mahalagang paalala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga miyembro nitong overseas Filipino workers.

Layunin nito ang mabilis at mas maginhawang pagkakamit ng mga benepisyong medikal sa ilalim ng National Health Insurance Program, sa Pilipinas man o sa ibang bansa.

Una, kailangang panatilihing regular at up-to-date ang kanilang taunang kontribusyon sa PhilHealth.

Pangalawa, kailangang updated ang kanilang member data record o MDR at contact information at tama ang PhilHealth Identification Number (PIN) na gagamitin sa lahat ng kanilang transaksyon sa PhilHealth, sa loob o labas man ng bansa.

Kung sakali namang ang isang OFW member o ang dependents nito ay magkasakit at maospital dito sa Pilipinas, maaaring hindi na ipakita ang kanilang MDR kung ang ospital ay mayroong access sa Health Care Institution Portal o HCI Portal.
Kung wala namang access sa HCI Portal, maaa-ring makakuha ng kopya o print out ng updated na MDR sa pinakamalapit na tanggapan ng PhilHealth o mag-email sa ofp@philhealth.
gov.ph.

Maari ring bumisita sa PhilHealth website, www.philhealth.gov.ph at gamitin ang Online Inquiry Facility na matatagpuan sa kanang bahagi ng homepage.

Sa nasabing facility, maaaring malaman ng miyembro ang kanyang contribution payment record at iba pang impormasyon tungkol sa kanyang PhilHealth membership. Ito ay maaari ring i-access sa link na https://memberinquiry.philhealth.gov.ph.

Kung sakaling magkaroon ng problema sa pagkamit ng benepisyo sa ospital, maaaring magpa-tulong ang sinumang miyembro ng PhilHealth, kabilang na ang mga OFWs at kanilang dependents, sa mga nakatalagang PhilHealth Customer Assistance, Relations and Empowerment Staff o P-CARES personnel sa mga piling ospital sa buong bansa, pampubliko man o pribado.

Para sa iba pang katanungan tungkol sa PhilHealth, maaaring makipag-ugnayan sa Corporate Action Center sa telepono bilang (02) 44174420 direktang tumawag sa Overseas Filipinos Program Office (OFP) sa (02) 441-7444 loc. 7416. Maaari ring i-email ang mga katanungan sa actioncenter@philhealth.gov.ph o sa ofp@philhealth.gov.ph.

Dr. Israel Francis A. Pargas
OIC-Vice President,
Philhealth

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk, Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.

Read more...