Meg, Valerie napilitang magbenta ng katawan

meg imperial

SPEAKING of Valerie Concepcion, mapapanood din ang aktres sa episode tonight ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN together with Meg Imperial bilang mga babaeng napilitang kumapit sa patalim para mabuhay.

Gagampanan nina Meg at Valerie ang kuwento nina Julia at Denise, ang magkaibigang gipit sa buhay kaya nagdesisyong magbenta ng laman.

Sa kagustuhang makuha ang atensiyon ng pamilya, sumali si Julia (Meg) sa mga bikini open hanggang sa mapunta sa Zambonga para sumali sa isang cultural group. Pero niloko lang pala siya ng isang kapitbahay kaya napilitan siyang magbenta ng katawan.

Hanggang sa makilala niya si Denise (Valerie), isang dancer sa man-hater club. Mabilis na magkakasundo ang dalawa at mapapatunayan ang kanilang pagkakaibigan nang mabuntis si Denise at si Julia ang naging tagapangalaga nito.

Pagkaraan ng isang taon, makakahanap ng oportunidad si Julia sa isang high-end na club sa Cebu, at aanyayahan niya si Denise at ang iba pa nilang kasamahan na mag-join sa kanila at tanggapin ang mas mataas na bayad na trabaho sa Cebu. Ipagpatuloy kaya ng magkaibigan ang piniling trabaho sa Cebu? May pag-asa pa bang makalabas ang dalawa sa sex industry?

Iyan ang tutukan sa isa na namang espesyal na episode ng MMK sa direksyon ni Garry Fernando.
Samahan ang MMK sa paggawa ng mas magaganda pang mga alaala sa ika-25 anibersaryo nito tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN hosted by Charo Santos.

Read more...