Pagpipinta ni Heart sa mga sosyal na bag nagsimula sa French fries

heart evangelista

KASADO na sa Sept. 3 ang exhibit ni Heart Evangelista para sa lahat ng Hermes bags na kanyang pinintahan. Ito ang ibinalita ng aktres nang makausap ng press sa taping ng Juan Happy Love Story.

Secured naman ang mga mamahaling bags na ididispley na hiniram niya sa mga kaibigang nagpapinta. Sa totoo lang, aksidente lang kung paano natuklasan ni Heart ang talento niya sa pagpipinta sa mga sosyal na bag. Ang naging mitsa ng pagpinta niya ay ang mantsa ng mantika mula sa French fries.

Pinintahan niya ang isa sa Hermes bags niya upang matakpan ang mantsa nito. Naloka na lang siya nang magustuhan ‘yon ng mga kaibigan niya. Kaya hayun, nagsunuran ang friends ni Heart at pinapintahan na sa kanya ang kanilang mga expensive bag.

Ngayon, hindi lang dito sa bansa tinatangkilik ang hand-painted na gawa ni Heart kungdi worldwide rin. Anyway, speaking of JHLS, aabot pa ito sa first week of September bago magwakas at lumalaban pa rin ito sa ratings game.

Read more...