Mag-asawang Aiza at Liza pareho nang opisyal ng gobyerno

aiza seguerra at liza dino

TULAD ng inaasahan, binigyan nga ni Pangulong Duterte ng posisyon sa pamahalaan ang mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Dino.

In-appoint ng pa-ngulo si Aiza bilang bagong chairperson ng National Youth Commission kapalit ng dating chair na si Gio Tingson. Kung matatandaan, si Dingdong Dantes naman ang nagsilbing NYC commissioner-at-large sa administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sa official Twitter page ng government-owned television na PTV4, kinumpirma nito ang ibinigay na posisyon kay Aiza. Samantala, in-appoint naman si Liza bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines. Siya ang papalit kay FDCP chairman Briccio Santos.

Bukod kina Aiza at Liza, binigyan din ni Digong ng posisyon sa kanyang administrasyon ang iba pang celebrities na tumulong sa kanya noon sa kampanya tulad nina Freddie Aguilar na itinalagang National Commission for Culture and the Arts commissioner, Arnell Ignacio, Community Relation and Services Department, PAGCOR AVP at si Kat de Castro, bilang Tourism Undersecretary ng Tourism department.

Binawi naman ang appointment ng singer na si Jimmy Bondoc bilang PAGCOR AVP for Entertainment, baka raw sa PTV4 siya dalhin ng pangulo.

Read more...