Sa wakas, kilalang female star nauntog na…ex-boyfriend tuluyan nang ibinasura

BLIND ITEM  FEMALE 0318

MUKHANG nauntog na nang malakas sa pader ang ulo ng isang magandang aktres. Kung dati’y isinisigaw pa rin ng kanyang puso ang kanyang ex na aktor, ngayon ay nakahakbang na siya nang pasulong, tapos na ang pagsasakripisyo ng puso niya.

Kailan lang ay pinagbubura na ng aktres ang mga retrato ng dati niyang boyfriend sa kanyang mga account, wala nang anino ngayon ang kanilang nakaraan, sumuko na nga ang aktres sa pag-asang baka isang araw ay magkabalikan pa rin sila ng nakahiwalay niyang male personality.

Sabi ng isang kaibigan ng magandang aktres, “Ito na ‘yun! Ito na ang matagal naming hinihintay na gawin niya, ang pagbuburahin-i-delete sa utak at puso niya ang lalaking ‘yun!

“Hindi lang sa FB at IG niya, talagang literal na niyang binura sa buhay niya ang taong minahal niya nang todo-todo, pero pinakamatindi ring nanakit sa kanya.

“Ito na nga ‘yun, buung-buo na sa puso at isip niya ang ginagawa niyang desisyon. Ke solo picture pa ng guy o magkasama sila, wala ka nang makikita ngayon sa mga accounts niya, mabuti naman at nagising na rin siya sa katotohanan,” kuwento ng isang malapit na kaibigan ng aktres.

Maraming umasa na sa altar na hahantong ang relasyon nila ng male personality, pati kasi ang kanilang mga pamilya ay magkakaibigan na, nakapagbuo na sila ng magandang samahan.

Pero wala ngang garantiya ang tagal ng panahon ng pagsasama, sa wala pa rin nauwi ang kanilang tapat kunong pagmamahalan, may bago nang mahal ngayon ang aktor.

Kuwento uli ng aming impormante, “Tama na ang pagpapaka-martyr, hindi na uso ‘yun ngayon, kaya mabuti naman at nauntog na rin sa katotohanan ang girl na tapos na ang lahat sa kanila ng ex-boyfriend niya.

“Bradly Guevarra, kilalang-kilala mo ang dating partners na ito, akala mo nga, e, napakasuwerte na ng girl, pero hindi pa rin pala,” pagtatapos ng aming source.

Read more...