YOU are how your parents brought you up.
Without sounding a bit too old-fashioned, kahit sa panahon ngayon when respectful words such as “po” and “opo” seem to have gone out of vogue ay totoong-totoo ang kapaniwalaang nasa wastong pagpapalaki ng mga magulang ang tinataglay o tataglaying katangian ng kanilang supling.
Isasama na namin sa sweeping statement na ito si Mocha Uson whose parents are both professionals kaya hindi kataka-taka that she grew up living by timeless values na itinuro sa kanya ng mga ito. Isang patotoo na lang ay noong mag-post siya agad ng kanyang reaksiyon sa isinulat ni Cristy Fermin sa kolum nito tungkol sa wala-sa-lugar na pangangampanya nito sa kanyang presidential choice now President Rody Duterte sa Zirkoh.
Inappropriate in the sense na hindi naman kasi isang plaza ang naturang comedy bar kundi isang venue where one goes to get entertained, and not to get politically awakened. Kaagad ay nag-post si Mocha ng kanyang buweltang-sagot but starting her piece on a respectful note before sharing her personal anecdotes.
Just as Tita Cristy and I got out of the Reliance Bldg. pagkatapos ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, tamang-tama namang papasakay na rin ng kanyang van si Mocha. But before she could hop in ay lumapit siya sa aming kinatatayuan, pakay talaga niyang bumati—and again, with respect—kay Tita Cristy.
Ito ang isang personalidad who knows the intricacies ng propesyon na kanyang pinasok surrounded by people who take sheer notice even of a public figure’s tiny speck on the face. Pero katangi-tangi si Mocha na nakakaunawa rin ng tungkulin ng bawat isa, personal feelings set aside.
At malaking bahagi roon ang wastong pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang.