Sharon irarampa ang seksing katawan sa finals ng The Voice

sharon cuneta
Promise ni Megastar Sharon Cuneta ibabandera niya ang kanyang payat na katawan sa grand finals ng The Voice Kids Season 3 na magaganap sa huling linggo ng Agosto.

Isa si Sharon sa mga judge ng nasabing reality singing search ng ABS-CBN along with Lea Salonga and Bamboo.

Kung matatandaan, nag-post si Mega ng mga litrato na kuha matapos ang ilang linggo niyang pagda-diet at pag-e-exercise. Nilagyan pa niya ito ng caption na: “Do you think I gained or lost weight since? Secret! Hulaan na lang po natin kung siya ba ay muling tumaba or pumayat mula noong kinunan ang picture na ito?!!!”

Kamakailan, ilang die hard Sharonians ang nagtanong kung kailan niya ipapakita sa madlang pipol ang seksi niyang katawan na ipinagmalaki pa niya sa isang Facebook post. Sey nga ni Mega, hintayin na lang daw ng mga ito ang paglabas niya sa grand showdown ng mga The Voice Kids contestants.

Ayon pa kay Mega sa isang FB message niya, “First time in one hundred years ko narinig ko uli kay Direk Olive Lamasan when I sent her the pics ang ‘Wow Anak! Sexy ka na!’”

Sinabi pa ni Sharon na may isa siyang kaibigang album producer na talagang na-shock nang makita ang latest picture niya. Ang sagot daw ni Mega, “Ako forced-feeding na, nasanay na ako enemy ko ngayon ang food!”

O, ayan, ha! Kailangang tutukan natin ang grand finals ng The Voice Kids para makita natin kung pumayat na nga nang bonggang-bongga si Mega! To see is to believe, sabi nga nila!

Read more...