Horoscope, August 12, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Susuwertehi ka na sa araw na ito at sa susunod na mga araw malaking salapi ang matatanggap kung patuloy kang magsusuot ng kulay na pula. Sa pag-ibig, hindi dapat na maging emosyonal, gamitin ang rason upang lumigaya. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim.” Bukod sa pula ang asul ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Kung hindi ka kikibo, paano maitatama ang maling sistema at kung hindi ka hihingi ng malaking komisyon paano ka tutubo ng maraming pera? Sa pag-ibig, kung hindi mo sasabihin sa iyong kasuyo ang iyong “erogenous zone” paano ka nya mapapaligaya ng husto? Mapalad ang 2, 16, 27, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Om-Nama.” Green at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Pag-ibig sa pamilya ang magdadala ng ligaya at magandang kapalaran, kaya dapat na panatiliin ang dati ng ginagawang pagsa-sakripisyo alang-alang sa mga mahal sa buhay. Iwasan ang mga immoral na relasyon upang hindi ka mapahamak. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bodhana-Om.” Violet at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Kumilos ka lang at sobrang layo ang iyong mararating. Kung tungkol sa salapi ang iyong ikikilos, darating ang araw na yayaman ka. Sa pag-ibig, wag makuntento sa pangarap, upang lumigaya ipatupad ang iyong balak. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: : “Yama-Yasoda-Om.” Orange at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Kakampi mo ang langit dahil ang tubig ang mahiwaga mong elemento. Habang bumubuhos ang ulan, darating ang magagandang kapalaran. Ang mahalaga, laging mag pasalamat kay Lord tag-unlan man o tag-araw. Mapalad ang 7, 19, 28, 37, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Green at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Apoy ang magbibigay ng suwerte! Kapag nagdarasal habang nakasindi ang dilaw na kandila sa altar, humiling ka at tiyak na matutupad. Sa pag-ibig, ang underwear na kulay dilaw ang lalo pang magpapalakas ng iyong sex appeal. Mapalad ang 1, 19, 27, 35, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Bukod sa yellow buenas ang orange.
Virgo – (August 23 – September 22) — Ang Virgo ay nagtataglay ng planetang Mercury na sinisimbolo ng “isang nilalang na tumatakbo, na wala anomang saplot sa katawan na may pakpak sa paa!” Sa pagdidisplay ng painting o pigurang ganito, yayaman ka at magiging maligaya. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Walang katulad ang iyong ganda, kaya wala ring katulad ang pagdating ng magandang kapalaran sa pag-ibig at pagkakaperahan. Ang kailangan lang magsuot ka lagi ng kulay na red at siyempre pa laging magpaganda. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He Vau-Weh.” Bukod sa red ang lilac ay buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Unahin munang asikasuhin ang ang bagay na pagkakaperahan, bago ang hangal na relasyon. Sa ganyang paraan mas madali kang uunlad at kailangang matuto ka ring mag-ipon upang mas madali kang yumaman. Mapalad ang 6, 12, 23, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om.” Green at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Upang magbago ang kapalaran, magbakasyon muna sa sinilangang bayan at mag-relaks-relaks. Habang nasa sasakyan may biglaang relasyong mabubuo. Sa pinansyal, pagpasok ng “ber months” kusa ng dadami ang pera. Mapalad ang 5, 9, 25, 34, 40, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gathan-Om.” Red at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Lalago ang kabuhayan kung mag-ipon na “fifty-five-pesos” araw-araw. Paglipas ng ilang taon, magkakaroon ka na rin ng puhunan sa binabalak na negosyo. Sa pag-ibig, laging ipaalala sa kasuyo ang kahalagahan ng pagtitipid. Mapalad ang 1, 9, 28, 34, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanthi” Orange at black ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sasama ang loob mo dahil sa mga pagkakamali ng mga mahal sa buhay. Mararamdaman mong pinagkukuriputan ka nila. Ganon paman, hindi nila mapipigil ang paparating mong suwerte sa pag-ibig at sa pinansyal, darating ang panahong sila naman ang tatanghod-tanghod sa iyo pero hindi mo sila magagawang tanggihan. Mapalad ang 1, 17, 28, 31, 44, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Kung sumablay ang dating diskarte, walang masama kundi magbago ng istilo ng pagpapayaman. Sa pag-ibig, humingi ng sorry sa kasuyo upang muling mabuo ang nagkakalamat na na relasyon. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yaksha-Om-Umali.” Red at blue ang buenas.

Read more...