Itinakda ng tadhana (2)

Sulat mula kay Rossana ng San Vicente, Likoan, Metro Cebu

Problema:
1. Nagkahiwalay kami ng ka-live-in ko, simula ng balikan niya ang kanyang dating girlfriend. Pero sabi nya naman sa akin nakikisama lang daw siya para sa anak nila. Ang problema ngayon ko lang na-realized na hindi ko pala kayang mabuhay ng wala siya, na nagkataon namang tumawag siya at magulo na naman daw ang buhay nila ng dating girlfriend nya.
2. Tama ba ang desisyon ko na makipagbalikan sa kanyang muli? Bukod sa kanya may isa pa akong manliligaw na binata, kaya lang hindi ko siya mahal. Sa palagay nyo sino sa dalawang lalaking ito ang makakasama ko habang buhay at magbibigay sa akin ng magandang kinabukasan? November 16, 1988 ang birthday ng dating ka live-in ko at October 15, 1988 naman ang manliligaw ko. July 2, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Rossana ng Metro Cebu
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ay nagsasabing higit mong ka-compatible ang isang Scorpio kung ikukumpara sa isang Libra. Ibig sabihin sa isang Scorpio ka higit na uunlad at habang buhay na liligaya at magkakaranas ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya.
Numerology:
Ang birth date mong 2 ay saktong tugma sa birth date na 16 ng dating naka-live-in partner mo, dahil ang 2 at 16 ay kapwa nagtataglay ng elementong tubig. Ibig sabihin kapag kayo ang nagsama, tuluyan ng mabubuo ang isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Graphology:
Upang magtuloy-tuloy ang ligaya mas mainam kung hindi mo pagpapatungin ang letrang “R at A” sa simulang bahagi ng iyong lagda. Paghiwalayin mo ang nasabing letra “R at A” at kapag nagawa mo yan, sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon habang buhay ka ng magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
Rossana ayon sa iyong kapalaran, dumadaan lang sa matinding pagsubok ang relasyon ninyo ng dating ka-live-in mo sa ngayon. Pero matapos ang mga ilang panahon pa, lilipas din ang mga balakid sa inyong pagsasama. Tulad ng inaasahan muli siyang babalik sa iyo at ito ay magaganap sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Oktubre, sa panahong iyon kapag muli kayong nagkabalikan, kahit kailan hinding-hindi na kayo muling magkakahiwalay at upang pagkatapos kayo na nga ang magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay ng pamilya.

Read more...