TINANONG ng internationally-acclaimed singer na si Lea Salonga ang kanyang social media followers kung sino ba talaga ang karapat-dapat na ilibing sa Libingan Ng Mga Bayani.
Ito’y sa gitna na rin ng tumitinding usapin tungkol sa pagbibigay ng hero’s burial kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ani Lea sa kanyang Twitter post, “So who exactly is eligible to be buried at the Libingan ng mga Bayani, and who pays for the burial? What are the rules? Just curious.”
Sa pagkakaalam namin, ang mga personalidad na maaaring ilibing sa Libingan Ng Mga Bayani ay ang pangulo ng bansa bilang siya rin ang commander-in-chief ng Armed Forces, mga medal of valor awardees, mga kalihim ng National Defense, AFP chief of staff, pati na ang mga aktibo at retiradong miyembro ng militar.
Maaari ring bigyan ng hero’s burial ang mga war veterans, national artists, government dignitaries at iba pang mga personalidad na may approval ng commander-in-chief.
Pero para kay Lea, “If by some miracle of God I became eligible to be buried there, I’d probably refuse if it was on the taxpayer’s dime. Not to mention inconvenient for my family to visit. Only IF eligible someday. I don’t think I ever would be, to be honest.”