Anak nina Vandolph at Camille, ‘Mini Me’ ni Maja bibida na sa Goin Bulilit

goin bulilit

MAY mga bago na namang “bulilit” na dapat pakaabangan sa hit ABS-CBN gag show na Goin Bulilit.

Makakasama na sa kwelang kiddie barkada nina Izzy Canillo, Clarence Delgado, Mutya Orquia, Bea Basa, Ashley Sarmiento, CX Navarro, JB Agustin, Kazumi Porquez, Mitch Naco, Allyson Mcbride at Josh de Guzman ang walong rising kid stars na kinabibilangan nina Raikko Mateo, Nathan Prats, Vito Quizon, Marc Santiago, Chunsa Jung, Sophia Reola, Cessa Moncera at Lilygem Yulores.

Pamilyar na sa nakararami si Raikko matapos niyang gampanan ang papel na Honesto sa hit seryeng may parehong titulo.  Teleserye rin ang naging daan ni Marc pala makilala nang gampanan niya naman ang papel na batang Tenten sa Dolce Amore.

Sina Nathan at Vito naman ay may dugong showbiz dahil sa kanilang mga magulang. Anak ng aktres na si Camille Prats si Nathan habang anak naman ng komedyanteng si Vandolph si Vito. Samantala, si Chunsa naman ay unang sumikat sa It’s Showtime segment na “Mini Me” bilang mini Maja Salvador, habang sina Sophia, Cessa, at Lilygem naman ay personal na nag-audition at lumabas na rin sa ilang TV commercials.

Sa kanilang pagdating, asahan ang mas exciting at mas kwela pang episodes. Bukod pa sa bagong segments ng show ay bibisita rin ang espesyal na mga bisita tulad nina Daniel Padilla at Goin Bulilit alumna na si Kathryn Bernardo.

Hindi lang naghahatid ng saya ang 11 taong gulang na Kapamilya comedys how tuwing Linggo, kung hindi dito rin nagsisimula ang ilan sa pinaka-bankable na mga artista ngayon tulad nina Kathryn, Julia Montes, Miles Ocampo, Jane Oineza, Kiray Celis, CJ Navato, Kristel Fulgar, Sharlene San Pedro, Trina Legaspi, Mika Dela Cruz, Nash Aguas at Alexa Ilacad.

Ang Goin Bulilit ay nilikha ni Bobot Mortiz, sa direksiyon ni Frasco Mortiz, at ipinrodyus sa ilaluim ng business unit ni Reily Santiago. Para sa lahat ng mga bagets at sa mga dating bagets , patuloy na tutukan ang ang pampa-good vibes tuwing Linggo sa Goin Bulilit pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN.

Read more...