Hermano Puli na pinagbibidahan ni Aljur wapak ang preparasyon

BONGGANG-bongga ang preparasyon na ginawa ni Aljur Abrenica para sa kaniyang bagong pinagbibidahang pelikula, ang Hermano Puli, na napili ring closing film ng Cinemalaya.
Ikinuwento mismo ni Aljur sa programang ShowbizLive ang mga ginawa niyang paghahanda sa mga wapak na eksena at ilan sa mga challenge na pinagdaanan nila bago mabuo ang pelikula.
Talagang nag-research pa raw siya sa talambuhay ng bayaning si Hermano Puli at mismong sa mga taga-Tayabas, Quezon kung saan nabuhay si Apolinario Dela Cruz o Hermano Puli siya nagtanong tungkol sa naging buhay nito at kanyang pamilya.
Pinuntahan pa nila ang ilog na mismong pinagliguan ni Puli at doon ay game na game na naligo nang hubad.
Kwento pa ni Aljur na ilang beses din anya niyang sinubukang mag-preach ng Bible sa loob ng kanyang kwarto para sa mga eksenang pangangaral ng Biblia na ginawa ni Hermano Puli.
At siyempre, as part of his internalization sa isang very challenging role, he practiced the vow of celibacy.
Sobra-sobrang effort ang ibinigay ng hunk actor sa kanyang bagong pelikula, kaya ganon na lang ang mungkahi niya sa mga tagatangkilik ng pelikulang Pilipino na panoorin ang makabuluhang pelikula tungkol sa talambuhay ni Hermano Puli.

Read more...