PNP iniugnay ang 10 pang pulitiko, 100 pulis sa droga

Drug-users-pushers-undergo-rehabilitation-Radyo-Inquirer-QCPD-Users1

SINABI ng regional police office sa Central Luzon na biniberipika na ang impormasyon kaugnay ng umano’ y pagkakaugnay ng 10 mayor at vice mayor sa rehiyon sa iligal na droga.

Ayon kay regional police chief Chief Supt. Aaron Aquino, na ang hawak nilang listahan ay bukod pa sa dalawang mayor na nauna nang napasama sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tumanggi naman si Aquino na sabihin kung ilang lokal na opisyal mula sa Nueva Ecija ang kasama sa drug watch list.
Aniya, posibleng mapasama ang mga bagong pangalan sa susunod na listahan na ilalabas ni Duterte.
Idinagdag ni Aquino na bukod sa mga pulitiko, tinatayang 100 pulis ang sangkot sa iligal na droga.

Read more...