Sunshine Dizon sa ‘other woman’ ng ex-hubby: She’s too low, di ko siya sasampalin baka madumihan ang kamay ko

EMOTIONAL pero composed na composed na hinarap ni Sunshine Dizon ang dating mister at ang sinasabing mistress nito sa Quezon City Regional Trial Court nitong Miyerkules.

Nagkita-kita sina Sunshine ang ex nito na si Timothy Tan at ang sinasabing mistress nito na si Clarissa Sison sa korte para sa pagdinig ng kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children Act na isinampa ng aktress sa dating asawa.

Nanindigan din ang aktres na hinding-hindi niya papayagan ang mister na mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

“Bilang tao, masakit,” pag-amin ni Dizon, kasabay ang pagsasabi na hindi niya nga balak bigyan ng annulment ito bilang kanyang kabayaran sa ginawang panloloko sa kanya.

“If they were expecting na gagawa ako sa eksena dito, hindi ko sila pagbibigyan.  I will not do that to her, she’s too low and I will not dignify her with anything.  Baka yung ibang tao ay nasampal na siya pero ako, hindi ko padadapuin iyong kamay ko kasi baka madumihan.”

“I’m getting emotional because of the pain that they caused my children, at walang kapatawaran iyon,” ang emosyonal na pahayag ni Sunshine sa media.

“Hindi na ito tungkol sa akin, kasi kaya ko naman. Pero iyong sakit na dinaanan ng mga anak ko, iyan ang walang kapatawaran,” dagdag pa nito.

 

Read more...