Liza Soberano may bagong tagahanga, fave actress ni Aljur Abrenica

HINDI sa GMA kundi sa kabilang istasyon na ABS-CBN kabilang ang paboritong aktres ni Aljur Abrenica sa ngayon.

Lakas-loob na pinangalanan ni Aljur si Liza Soberano na siyang pinakapaborito niyang local na aktres sa kasalukuyan.

Ito ang ginawang pagbabandera ni Aljur sa programang ShowbizLive na napanood at napakinggan Miyerkules ng gabi sa Radyo Inquirer at Inquirer Television.

Hindi lang sa ganda napahanga ang aktor kundi sa galing din sa pag-arte umano ng magandang aktres na bida sa teleseryeng Dolce Amore.

Si Aljur ay talent ng GMA at siyang bibida sa pelikulang Hermano Puli, na inihalintulad niya sa mga makasaysayan at makabuluhang pelikula gaya ng Heneral Luna.

 

Read more...