Kilalang aktor, female star huli sa aktong nagse-sex; tv crew na-shock

BLIND ITEM MF 0409

Hula who: Ang suwerte naman ng ilang TV crew na nakasaksi sa aktuwal na “pagniniig” ng isang aktor at ng isang female star during a taping break. Talagang live na live nilang napanood ang nasabing sexual act ng dalawang kilalang celebrities.

Ang siste, pahinga muna ang cast at mga trabahante sa set ng nasabing TV show but not in the case of these caught-in-the-act stars na humalo sa mga props all stored in one corner. Akalain n’yo ba namang ginawang motel ng mga ito ang kasuluk-sulukan bahagi ng props area para sa panandaliang tawag ng laman? Hindi na nila siguro napigilan ang init ng kanilang mga katawan kaya lakas-loob nilang ginawa roon ang “milagro”.

Kaso lang, naud-Lotlot & Friends ang kanilang eksenang patayo nang ‘di sinasadyang may magawing TV crew sa kanilang kinalulugaran. Literal na caught with their pants down ang nabitin yatang aktor at aktres. Of course, itigil muna nila ang kanilang ginagawa.

Take note, ang TV crew pa ang feeling na napahiya sa kanyang nabungaran sa halip na ‘yung pares na ginawang parausan ang props area na ‘yon. Clue: may bespren si aktres na naging dyowa ng kanyang kachorvahan. Kung gusto n’yong malaman kung sino sa kanila, sumisid kayo sa puso ng dagat!

READ NEXT
Read more...