camp sawi

DIRETSONG inamin ni Andi Eigenmann na meron na siyang bagong boyfriend kaya inposible nang magkabalikan sila ni Jake Ejercito. Ayon sa Kapamilya actress, wala nang pag-asang maging sila uli ni Jake, naka-move on na raw siya sa naging relasyon nila ng itinuturing niyang “greatest love” at maligaya na siya sa piling ng kanyang bagong dyowa.

Nakachika ng ilang miyembro ng entertainment media si Andi sa pagkatapos ng presscon ng latest movie niyang “Camp Sawi” kamakalawa ng gabi at dito nga nagkuwento ang single mom tungkol sa kanyang lovelife. “Mga two years na kaming hiwalay (ni Jake), officially. Pero yung hindi officially, hindi ko na nga maalala.

“Kasi, di ba, hiwalay na kami, tapos makikita niyo kami again together, even if we’re just friends, you know, at the back of our mind, what we want is umaasa pa kaming dalawa sa isa’t isa,” chika ng anak ni Jaclyn Jose.

Hirit pa niya, “Kaya nga ako naging okey, well, natuto na akong tanggapin na baka kahit siya na ang greatest love ko, hindi ibig sabihin na he’s the one I’m meant to be, to spend the rest of my life with. Kasi nahirapan, napapagod na rin ako.”

Kumusta naman ang estado ng puso niya ngayon? “Masaya ako, sobra. Kasi, he (new BF) noticed me and wanted to be with me for the person that I wanted to become. For the person I am to be. “Hindi niya, well, tinanggap niya nang buong-buo.

Wala akong work nu’n, e. Wala akong ginagawa. Ni hindi niya alam na artista ako, pero sinubukan niya akong makilala. I like that, I can really be myself and be the person that I really am, and that’s what he likes,” pag-amin ni Andi.

May nagtanong naman kay Andi kung si Jake pa rin ba ang gusto ng kanyang pamilya para sa kanya? “I don’t know because wala namang ganu’n. Hindi naman ‘to yung katulad kay Bret (Jackson) na talagang ayaw nila. Mabait siyang tao at mabuti, you know, alam mo yun?

“Basta, hindi ko ma-explain in a proper way, si Bret lang yung ayaw nila. Ngayon, hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kung ano ang opinyon nila. Kung Jake pa rin ba or ngayon, ang alam ko, okey. Basta si Bret lang ang hindi nila gusto,” sagot ng Kapamilya actress.

Samantala, gagampanan ni Andi ang karakter ni Clarisse sa pinag-uusapang hugot film na “Camp Sawi”, isang babaeng hindi maka-move on sa pagiging number 2 niya sa buhay ng kanyang boyfriend. Inamin ni Andi na kahit paano’y nakaka-relate siya sa kanyang role kaya medyo naging madali sa kanya ang pagbibigay-buhay sa nasabing karakter.

Makakasama rin dito bilang mga miyembro ng Team Sawi sina Arci Muñoz bilang si Gwen, na hiniwalayan ng boyfriend dahil hindi na raw masakyan ang mga trip niya sa buhay; Yassy Pressman as Jessica, isang young perky cheerleader na hiniwalayan ng kanyang varsity player na dyowa; Kim Molina bilang Joan na namatayan ng fiance matapos mag-propose sa kanya; at Bela Padilla na gumaganap bilang Bridgette, na iniwan ng long-time Chinese BF para pakasalan ang ibang babae.

Magsisimula ang mga twist and turns ng movie nang magsama-sama na ang mga babaeng ito sa Camp Sawi para unti-unti silang maka-move on with the resident chef at head coach ng kampo na si Louie to be played by Sam Milby.

Showing na ang “Camp Sawi” sa Aug. 24 sa mga sinehan nationwide, sa direksiyon ni Irene Villamor sa produksyon ni Bb. Joyce Bernal para sa Viva Films at N2 Productions. Sinisiguro ng mga bida ng pelikula, pati na rin ng direktor na maraming makaka-relate sa mga karakter na bumubuo sa Camp Sawi, lalo na ‘yung mga taong sariwa pa ang sugat sa pagkasawi sa pag-ibig at pakikipagrelasyon.

Sabi nga ni Arci, “Kapag napanood n’yo ito, especially sa mga broken-hearted, parang gugustuhin n’yo talagang magkaroon ng Camp Sawi. Minsan kasi, talagang ang hirap-hirap mag-move on lalo na kapag sobra-sobra ‘yung ginawang panloloko sa iyo.”

Hirit naman ni Bela, “Feeling ko, first time nating makakakita ng movie na ‘yung chemistry between girls ay hindi kailangang katulad ng pinapanood natin dati, isang girl at isang guy. Mas makikita rito ‘yung relationship naman ng mga babae, kung paano sila magtutulungang maka-move on.”

Read more...