Singsing ni Jennylyn agaw-eksena, engaged na raw kay Dennis

dennis trillo

Kumalat sa social media ang photo ni Jennylyn Mercado na kanyang ipinost sa kanyang Instagram account na @mercadojenny. Napansin kasi ng mga fans ni Jen na magkahawak-kamay sila ni Dennis Trillo. But more than that, mas higit nilang napansin ang singsing ni Jen.

Inakala ng marami na engagement ring ito. Jennylyn seems to have addressed the issue in one of her Facebook posts and said that it wasn’t an engagement ring. Sabi naman ng isang fan, kaliwete si Jen kaya kung totoong engagement ring iyon ay dapat nasa left hand niya ang singing.

Say naman ng isa pang fan, matagal nang may singsing si Jen. Anyway, wala naman talagang katotohanan na engagement ring ang suot na ‘yon ni Jen.  Hindi nga nagpo-propose sa kanya si Dennis kaya paanong magkakaroon ng engagement ring ang Ultimate Star (kuno)!!!

Read more...