Sandara, Vice Ganda may ‘K’ maging judge ng Pinoy Boyband Superstar

vice ganda

ANG Star Circle Quest Season 1 alumna na si Sandara Park ay magiging bahagi ng bagong reality show ng ABS-CBN na Pinoy Boyband Superstar. Isa siya sa magiging judge kasama sina Vice Ganda at Yeng Constantino.

Sa Setyembre na magsisimula ang Pinoy Boyband Superstar kapalit ng The Voice Kids Season 3. Tinaguriang Pambansang Krung-Krung sa showbiz si Sandara kaya iniisip naming magiging masaya ang banter nila nina Vice at Yeng.

May karapatang maging hurado si Sandara dahil naging bokalista siya ng grupong 2NEI na sikat na sikat sa Korea kung saan siya nakilala bilang si Dara. Samantala, si Yeng naman ay may sariling banda bago pa siya sumali sa Pinoy Dream Academy Season 1 kung saan siya naging big winner.

Singer/songwriter si Yeng at kasalukuyang hurado sa “Tawag Ng Tanghalan” ng It’s Showtime kaya may “K” talaga siya bilang maging hurado. Napakatalas naman ng tenga ni Vice pagdating sa kantahan, alam niya kung sino ang sintunado at kung sino ang nawawala sa tono kaya agree kami na siya ang umupo bilang isa sa mga hurado ng show at nakasisiguro rin kami na hindi lang sa talento sa pagkanta at performance ang hahanapin ng TV host-comedian kundi pipili rin siya ng puwedeng maging artista.

Read more...