Kahindik-hindik na bilang ng mga addicts

MATAGAL akong naging police reporter; pero kahit na ako’y columnist na, inaalam ko pa rin ang crime situation sa bansa.

Isang batikang journalist, ako’y nasindak nang malaman ko ang extent ng drug problem sa bansa.

Ang bilang ng drug addicts o drug users sa bansa ay nakakahindik: Mga tatlong milyon.

Tatlong milyong drug addicts o users sa ating paligid.

Tatlong milyong katao na puwedeng pumatay, mangholdap, gumawa ng maliliit na krimen gaya ng pagkanaw ng manok ng kapitbahay o pera ng magulang, o manggahasa at patayin ang biktima—kung hindi pa man nila ginagawa ang mga krimeng nabanggit.

Mga tatay na nag-rape sa kanilang mga anak na babae, mga apo na ginahasa ang kanilang lola, mga anak na pumatay ng kanilang mga magulang: ang mga krimeng ito ay hindi nangyayari noong ang inyong lingkod ay police reporter simula 1978 hanggang 1987.

Mga taong bangag sa pinagbabawal na gamot ang nakakagawa ng hindi maisip na krimen.

Nang nilakad ni retired Chief Supt. Sid Lapena, bagong chief ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa National Security Council (NSC) ang sitwasyon sa droga sa bansa, napatanga raw si dating Pangulong Noynoy, na isa sa dumalo sa meeting.

Ang mga prominenteng miyembro ng NSC ay ang Pangulo ngayon ng bansa na si Digong Duterte ang mga dating presidente na sina Fidel V. Ramos, Erap Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, at Noynoy.

Ang pagkabigla ni Noynoy ay dahil walang nagsabi sa kanya tungkol sa malalang problema ng pagkalat at paggamit ng shabu sa bansa.

Marahil ay mangilan-ngilan sa kanyang mga tauhan ay gumagamit ng droga o kaya’y patong sa droga, kaya’t hindi alam ni Noynoy na ganoon na kalala ang problema sa droga.

Wala naman kasing ginawa itong si Noynoy noong nasa puwesto pa siya kundi namomroblema kung sinong babaeng bayaran ang makakasama sa kama gabi-gabi.

Binibigyan siya ng babae ng dalawang miyembro ng kanyang Gabinete.

Kaya’t bulag si Noynoy sa nangyayari sa bansa noong panahon niya bilang pangulo.

Naiintindihan ng taumbayan si Pangulong Digong nang magalit siya kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil sinabi nito sa mga judges na idinawit sa illegal drugs na huwag sumurender.

Paanomalulutas ang ga-higanteng problema sa droga kung mga malalaking tao gaya ni Sereno ay humaharang kay Mr. Duterte at kanyang mga tauhan sa pagsugpo ng droga at krimen?

Kumakalat ang iligal na droga dahil maraming huwes at piskal ay pumi-picture, ‘ika nga.

Ang drug pushing ay pinabababa nila sa drug possession.

Ang drug possession ay puwedeng magpiyansa; ang drug pushing ay walang piyansa.

Mas dapat sisihin ang mga judges at prosecutors kesa mga pulis sa pagkalat ng droga sa bansa dahil pinakakawalan nila ang mga pushers.

Nakapagtataka nga kung bakit kakaunti lang ang mga huwes ang nabanggit sa Duterte Drug List at walang mga piskal.

Ang suspected drug lord sa Eastern Visayas na si Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte ay naka-confine sa isang suite sa isang ospital sa Cebu City .

Tsk, tsk, tsk! Talagang malakas ang drug lord na ito.

Matapos bigyan ng VIP treatment ni Director General Ronald “Bato” dela Rosa, chief ng Philippine National Police (PNP), nasa ospital naman nakahimpil itong si Espinosa.

Si Espinosa at ang kanyang pamilya ay pinatulog ni Bato sa kanyang official residence sa Camp Crame matapos itong sumuko.

Read more...