JRU tinisod ang San Beda

JRU

Mga Laro sa Biernes
(Filoil Flying V Centre)

1 p.m. Skills Challenges

4 p.m. NCAA East vs NCAA West
Team Standings: San Beda (8-1); Arellano (7-2); Perpetual Help (7-2); Mapua (6-3); Letran (5-4); JRU (4-5); Lyceum (4-5); EAC (3-6); San Sebastian (1-8); St. Benilde (0-9)
NAGTALA ng mala-higanteng upset victory ang Jose Rizal University Heavy Bombers matapos nitong gulantangin ang dating walang talong San Beda Red Lions, 79-73, Martes ng hapon sa 92nd NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.
Sinandigan ng Heavy Bombers si Paolo Pontejos na umiskor ng season high na 27 puntos habang nag-ambag sina Abduolad Poutouochi at Bernabe Teodoro ng tig-14 puntos para ibigay sa JRU ang ikaaapat na panalo sa siyam na laro.
Tila nag-backfire naman ang paggamit ng San Beda sa lahat ng manlalaro nito kung saan nakalayo ang JRU. sinubukan ng Red Lions na humabol sa fourth period pero kinapos na ito at nahulog sa 8-1 baraha.
Sa ikalawang seniors game, binigo ng Mapua Cardinals ang nagdedepensang kampeong Letran Knights, 79-75.
—Angelito Oredo

Read more...