Magaling na aktor choosy na kaya ‘nganga’

BLIND ITEM MALE 0624

NAHIHIRAPAN na ang producer ng kilalang film outfit na hanapan ng project ang kanilang magaling at box-office actor. Panay raw ang tanggi nito sa halos lahat ng proyektong ino-offer sa kanya.

May plano sanang pagsamahin ang actor at isang box-office star at isang matinong director ang hahawak sa proyekto. Pero inisnab pa rin daw ito ng actor, huh!

Nakatikim na rin kasi ang magaling na actor ng role na malayo sa comfort zone niya. So, feeling ng producer, ganoong klase ng role ang nais ng actor. Pero ayaw namang magsugal sa non-formula movies ang kumpanya, so nganga na lang muna sa pelikula ngayon ang actor.

Read more...