Action-comedy movie nina Bong at Jolo planado na

BONG AT JOLO REVILLA

BONG AT JOLO REVILLA

AS usual, hindi nagbigay ng pahayag si Bacoor Mayor Lani Mercado sa nababalitang reconciliation ng kanyang anak na si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa ex-girlfriend nitong si Jodi Sta. Maria.

Gaya ng dati, ayaw niyang makisali sa isyu especially with the affairs of the heart ni Jolo. Katwiran ni Lani, nasa tamang edad na si Jolo at may tamang pag-iisip na ang kanyang anak para magdesisyon sa sarili. Basta nandiyan lang daw siya bilang ina na laging nakaalalay at naka-suporta sa kanyang mga anak.

At the time na kausap namin si Mayor Lani sa birthday treat na ibinigay ng pamilya Revilla sa isa sa most well-loved personalities sa showbiz na si Manay Ethel Ramos na nagdiwang ng kanyang kaarawan last Aug. 1.

Say ni Lani sa amin, nasa Morocco si Jolo for a vacation. When we asked kung sino ang mga kasama ng anak, she mentioned the name of her daughter na si Gianna. Medyo nag-aalala lang si Lani dahil sa safety ng kanyang dalawang anak sa pagpunta nila sa Morocco.

Almost complete ang Revilla siblings na bumati kay Manay Ethel sa get-together nila last Sunday. Nandoon ang youngest child sa mga anak ni former Sen. Ramon Revilla Sr., na si Andeng Henares kasama ang mister na si Antipolo Mayor Junjun Henares at dalawa nilang tsikiting.

Present din si Bacoor Councilor Rowena Bautista, Princess Revilla at mga anak nina Mayor Lani at former Sen. Bong Revilla. Naabutan namin sa celebration sina Inah Revilla-del Rosario with her two kids, Luigi at si Loudette na second year college na sa Ateneo de Manila University sa kursong Life Science.

Promise naman ni Bong sa kanyang anak at mga apo, siya naman daw ang bibisita sa kanila sa Davao once makalabas na siya sa PNP Custodial Center. At kapag nakalabas siya, ready-get-set go na ulit siya para mag-shoot ng isang light action-comedy movie with Jolo.

Anyway, dumating din sa selebrasyon para batiin si Manay Ethel ang kumpare ni Presidente Rody Duterte na si Phillip Salvador. Mariing itinanggi sa amin ni Kuya Ipe na siya ang ia-appoint ni Digong bilang bagong MTRCB chairman.

Read more...