KathNiel level-up na sa bagong pelikula

kathryn bernardo at daniel padilla

MALAPIT nang ipalabas ang pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na “Barcelona: A Love Untold” na kinunan pa sa Barcelona, Spain mula sa direksyon ni Olivia Lamasan produced ng Star Cinema.

Ayon kay Daniel, “Parang ito ang first movie namin na mature na talaga ang role. Parang ibang step naman ‘to, parang tapos na namin ang first step ng buhay namin.” Sabi naman ni Kathryn, “Second step na tayo ngayon, level-up na tayo.”

Excited ang dalawa na maipalabas na ang “Barcelona: A Love Untold” dahil gusto na nilang mapanood ito ng kanilang mga tagahanga. Kaya naman ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ito ng KathNiel fans mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Balak nilang magpa-block screening kapag nag-showing na ang movie.

At sigurado rin kami na susuportahan din ng KathNiel supporters ang bagong endorsement ng magka-loveteam, ang San Marino Corned Tuna. Hindi lang sa pelikula nag-level up ang dalawa, kundi pati na rin sa kanilang TV ad na ang tema ay ang tungkol sa “true love.”

Parehong nag-enjoy sina Daniel at Kathryn habang sinu-shoot nila ang TV commercial ng San Marino Corned Tuna tulad din ng nu’ng i-shoot nila ang pelikula nila sa ibang bansa. Ang KathNiel ang maituturing na pinakasikat na loveteam sa bansa ngayon, at walang-dudang isa rin sa pinaka-sweet, on and off-cam.

Nang tanungin kung ano ang pakiramdam na sila na ngayon ang bagong celebrity endorsers ng nasabing produkto, “Sobrang saya, blessing talaga siya sa amin at sobrang okey pa yung produkto, ang sarap!” saad ni Daniel.

Sabi naman ni Kathryn, “Yung totoong shot na kumakain ako, na-enjoy ko talaga siya. Ang sarap talaga!”

Sabi nga ni Daniel, marami na silang nagawang ads ni Kath, pero ang “I Found My True Love in San Marino Corned Tuna” lang ang nagpapakita ng totoong nangyari sa pagkakabuo ng kanilang loveteam.

Read more...